PABORITO naminang isa sa mga cast ng Twa Wives, si Patrick Garcia.

Kuwento ni Patrick, tuwang-tuwa siya nang sabihan siya na kasama siya sa remake ng nasabing koreanovela. Akala raw niya ay matetengga na naman siya ng ilang taon.

"Any role that's given to me, whether big or small, as an actor I will always cherish that role. It's a very good role naman when it was explained to me. And I'm happy and for sure hindi lang ako kundi mai-in love din sila sa character ko," kuwento ni Patricio.

Nabigyan siya ng bagong pagkakataon para makasama ang dating kasama niya sa Tabing Ilog na si Kaye Abad na magiging asawa at mistress ni Jason Abalos sa istorya ng serye.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Bukod kay Kaye, pangarap din niyang makasama sa mga susunod niyang proyekto ang iba pang showbiz friends na ilang taon na niyang hindi nakakasama.

"I wish na mabigyan kami ng pagkakataon ng management na magkasama-sama uli. Siguro naman if there's a good story and a good script at naniniwala ang management na babagay sa amin, eh, sila naman ang masusunod, di ba?" sabi ng actor.

Pero bagamat hindi niya nakakasama sa projects ang mga dating kaibigan, may contact siya sa iba pang Tabing llag co-stars niya na sina Baron Giesler, John Lloyd Cruz, Jodi Sta. Maria. Apat na taon silang nagkasama kaya mahirap na basta na lang kalimutan.

"Kumbaga, sila ang mga kasama ko na I'm closest to because we shared four years together in Tabing Ilag. Once in a while naman, eh, nagkakausap kami ng mga yan," sey pa ni Pat.

Ngayong 33 years old na si Patrick ay malaking-malaki na raw naman ang ipinagbago niya. Kinabukasan ng dalawang anak niya ang top priority niya ngayon.

"Sa totoo lang, I get more inspired to work because it's just not myself I am working for. Of course I'm working for my kids also, I want to give them a good future," pag amin ng actor.

Bukod sa showbiz projects niya ay tumutulong din si Patrick sa negosyo ng kanyang ama na nagmamay-ari ng Sunrich Manufacturing Corporation.

"I am trying to get to know his business. We manufacture the raw materials of the sinigang mix, Knorr cubes. I am helping the business out in other aspects na p'wede akong tumulong. Before, eh, boring sa akin 'yan, pero now, I found the experience better. Mas nalaman ko how the business works and kung ano'ng ginagawa," seryoso pang lahad ni Patrick.

Ibinalita rin ni Patrick na nakatakda na ang kasal nila ng magiging asawa niyang si Nikka sa March 21.

"Our wedding will be held sa Blue Leaf Pilipinas sa Macapagal Ave. We're still in the planning stage. We had our pre-nup sa Balesin. Kaya March para malapit sa fourth year anniversary namin," banggit ng actor.

Kasama rin sa entourage ng kasal nila ni Nikka ang anak niya kay Jennylyn Mercado na si Jazz.

"I got him as a ring bearer. Pumayag naman si Jen, I don't know if she's coming but she is invited," saad pa rin ni Patrick Garcia.