Pinagkokomento ng Korte Suprema ang world boxing champion at kongresista ng Sarangani na si Manny “Pacman” Pacquiao sa hiling ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na bawiin ang temporary restraining order (TRO) na ipinalabas ng hukuman laban sa pagkolekta ng kawanihan ng P2-bilyon utang nito sa buwis.

Matatandaang nagpalabas ang SC 3rd Division ng TRO na pumipigil sa utos ng Court of Tax Appeals (CTA) maglagak si Pacquiao ng P3 bilyon halaga ng cash bond o P4 bilyon surety bond.

Bukod sa paglalagak ng bond, pinigil din ng SC ang CTA first division sa pagdaraos ng pagdinig sa nasabing kaso, gayundin ang pagpapairal ng warrant of distraint and levy na inisyu ng BIR laban sa mga bank account ni Pacquiao. Ibig sabihin, hindi muna makokolekta ng BIR ang sinasabing utang sa buwis ng kongresista.

Sa resolusyon ng Korte Suprema, binigyan nito si Pacquiao ng 10 araw para tumugon sa motion for reconsideration ng BIR.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa hiwalay na mosyon, hiniling din ng BIR sa Korte Suprema na magdaos sa pagdinig sa apela na inihain ng kawanihan.