Isang malaking hamon sa pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD ) ang misteryosong pagkakapaslang sa hinihinalang shabu queen sa Culiat, Quezon City, iniulat ng pulisya kahapon.

Dakong 8:30 ng gabi noong Linggo nang pagbabarilin ng umano’y hitman ng sindikato ng ilegal na droga ang hindi pa kilalang babae sa panulukan ng Libyan at Sulu Street sa Salam Mosque Compound sa Barangay Culiat.

Inilarawan ng mga tauhan ng Scene on the Crime Operation (SOCO) ang napatay na nasa edad 30-40, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng skinny jeans, 5’3” ang taas at maputi. Nagtamo ito ng tama ng bala ng .45 caliber pistol sa ulo.

Sinabi ni SPO1 Joel Pulido, ng QCPD - Talipapa Police Station 3, na naglalakad ang biktima sa Sulu Street nang may sumalubong dito na lalaki at basta na lang pinagbabaril.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Mabilis namang tumakas ang salarin tangay ang baril patungo sa Tandang Sora Street.

Nabatid sa mga residente na madalas may itinumbang sangkot sa ilegal na droga sa kanilang lugar dahil wala umanong nagpapatrulyang tanod at pulis.