John Lloyd Cruz

Ni REMY UMEREZ

MADALAS naming marinig sa bibig ng young stars na dream role nila ang pagganap bilang isang retarded o special child.

Sa pelikulang The Trial mula sa Star Cinema ay ito ang role na ipinagkaloob sa premyado at box-office king na si John Lloyd Cruz. Sa takbo ng istorya ay maaakusahan siya na nanggahasa ng isang teacher na ginagampanan ni Jessie Mendiola.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bagamat ngayon lang siya lalabas sa ganitong uri ng role, sinabi ng aktor na hindi niya ito pinangarap o itinuring na isang dream role.

Aniya, marami nang aktor na gumanap bilang sintu-sinto.

“As far as I am concerned, it is just a role like any other na kailangang aralin dahil mapanghamon ito. May proseso akong sinunod bukod sa patnubay ni Direk Chito Roño. I also have to work with a real doctor para ma-absorb ko nang husto ang karakter,” sabi ni John Lloyd.

Nang tanungin kung ano ang kanyang dream role, kaswal na wala ang isinagot niya.

Samantala, para kay Gretchen Barretto na mother ni John ang role ay wish granted na makatrabaho ang poging aktor. Aminado si Gretchen na biggest fan siya ng aktor.

“On the set ay hindi ko na-feel ang presence ni John kundi ang karakter ng isang mentally disturbed. Ang galing-galing niya,” wika ni Greta.