Mahigit 600 pang biktima ng pananalasa ng bagyong ‘Yolanda’ ang hanggang ngayon ay nawawala at patuloy pang pinaghahanap ng kani-kanilang pamilya 10 buwan makaraang manalasa ang delubyo sa Tacloban City, Leyte at sa iba pang lugar sa Eastern Visayas.

Sinabi ni Rita dela Cruz, ng City Social Welfare and Development (CSWD), na ang nasabing bilang ay base sa pagtaya mula sa mga pamilya ng mga namatayan at opisyal sa bawat barangay sa Tacloban.

“The reports claim the bodies are those of city residents,” ani Dela Cruz.

Mula sa 607 nawawala, 300 indibidwal o 50 porsiyento ang nagmula sa Barangay San Jose, na isa sa mga grabeng sinalanta ng Yolanda.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Aminado naman ang CSWDO na nahihirapan sila na matukoy ang eksaktong bilang ng mga namatay sa bagyo dahil sadyang napakarami ng mga nasawi, at ang ilan sa mga ito ay hindi taga- Tacloban.

Base sa huling tala ng CSWDO, aabot sa 2,357 ang nasawi sa Tacloban.