PATNA, India (AFP) – May 32 debotong Hindu ang namatay matapos dumalo sa Dussehra Festival sa lungsod ng Patna sa India noong Biyernes, Oktubre 3.
Libu-libong deboto ang dumalo at nakisaya sa nasabing selebrasyon nang biglang kumalat ang balitang may sunog sa lugar.
Iniimbestigahan na ng pulisya kung sino ang nagkalat ng maling impormasyon.