Posibleng hindi magla-landfall sa alinmang bahagi ng bansa ang isang panibagong bagyo maaaring pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) sa Biyernes.
Ito ang pagtaya ni weather specialist Gener Quitlong ng Philippine Atmospheric, Geophysical Services Administration (PAGASA).
Aniya, kung hindi sa Biyernes ay maaaring sa Sabado pa papasok ng PAR ang bagyo kung hindi magbabago ito ng direksyon.
“Pero may chance na baka hindi ito mag-landfall kumbaga sa gilid lang (ng Pilipinas) dadaan,” diin nito.
Tatawagin itong “Neneng” kapag tuluyan nang pumasok sa Pilipinas ang naturang sama ng panahon.
Kahapon, sabi ng PAGASA, ay humina na ang hanging habagat dahil na rin sa distansiya ng bagyo.