Isasagawa ni Rafael Nadal ang kanyang long-awaited return sa aksiyon sa linggong ito sa China Open, kung saan ay target nitong makipagsabayan kay world number one Novak Djokovic para sa 100 percent record ng huli sa Beijing.

Magbabalik si Nadal, ‘di nakita sa aksiyon sa Wimbledon sanhi ng pinsala sa kanang pulso, sa torneo kung saan ay muli niyang napasakamay ang top spot noong nakaraang taon bagamat natalo sa finals sa Serb na si Djokovic.

At muli, batid ng 28-anyos na Spaniard na sasabak siya laban sa mga magagaling na karibal.

“Novak dominates... almost all the tournaments. He’s one of the best players that I have ever seen,” pahayag ni Nadal.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Normally he likes to play here (in Beijing). We’ll see what’s going on this year.” AFP