Kinasuhan na sa Office of the Ombudsman ang isang district engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nagpahintulot sa ilegal na pagbubungkal sa southbound lane ng C5 sa ilalim ng Bagong Ilog flyover noong Miyerkules.

Sinampahan ng kasong grave abuse of authority, grave misconduct at gross ignorance of the law si Engineer Roberto Nicolas.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino, walang permit ang ikinasang road reblocking na sinimulan noong Martes ng gabi.

Bukod dito, paso na rin ang ipinakitang permit ng project site engineer ng Jagonbuild Construction.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Samantala, kinumpiska na rin ang lahat ng gamit ng naturang contractor na ginamit sa pagbubungkal.

Iginiit ng MMDA na hindi ito nagbibigay-pahintulot sa road reblocking kapag weekdays dahil nagdudulot ito ng pagsisikip ng trapiko lalo na kapag rush hour.