MOGADISHU, Somalia (AP) — Sinabi ng isang Somali police officer na tatlong katao ang namatay sa paglalaban-laban ng mga pirata sa isang bayan sa central Somali dahil sa ransom na ibinayad para sa kalayaan ng isang mamamahayag na German-American na pinakawalan nitong linggo matapos ang dalawang taon at walong buwan.

Sinabi ni Mohamed Hassan noong Biyernes na sumiklab ang barilan sa Galkayo noong Huwebes ng gabi nang atakehin ng ilang pirata na hawak si Michael Scott Moore ang kanilang mga kasamahan dahil sa diumano’y sekretong pakikipag-usap sa mga negosyador. Kabilang sa mga namatay ang isang mataas na kumander matapos palayain si Moore noong Martes.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20