MEMPHIS, Tenn. (AP)– Inanunsiyo ng Memphis Grizzlies na isa si free-agent forward Michael Beasley sa mga nadagdag sa kanilang training camp roster.

Si Beasley, ang No. 2 overall pick noong 2008 draft, ay nagaverage ng 7.9 puntos, 3.1 rebounds at 15.1 minuto sa kanyang 55 laro sa Miami Heat noong nakaraang season.

Inanunsiyo ng Grizzlies ang pagkakakuha nila sa 25-anyos na si Beasley kahapon.

Nagmamay-ari si Beasley, may taas na 6-foot-9, ng career averages na 13.2 puntos, 4.9 rebounds, at 1.3 assists sa kanyang 409 laro sa Minnesota Timberwolves, Phoenix Suns, at Miami Heat.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Inanunsiyo rin ng Grizzlies na nadagdag din sa kanilang training camp roster sina Patrick Christopher, Luke Hancock at Kalin Lucas, ang forward na si Earl Clark at sentrong si Hassan Whiteside. Si Clark ay nagaverage ng 4.8 puntos, 2.6 rebounds, at 14.2 minuto sa kanyang 54 laro sa Clevalnd Cavaliers at New York Knicks noong nakaraang season.