HEART-Evangelista-and-Sen.-Chiz-Escudero

NAGKAROON ng intriga ang dapat sana'y February 14th wedding nina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero sa susunod na taon, kaya't bago pa lumala ang isyu ay sila na lang ang nagparaya para sa diumano'y nauna nang couple na ikakasal that day sa Balesin Island, sina Cesca Litton.

Sa mga pahayag ni Sen. Chiz, nasabi niyang ang February 15th ay perfect day sa nalalapit nilang kasal. Ito raw ay lampas isang araw sa 30th birthday si Heart.

"Well, mas convenient, una sa lahat mas convenient, mas makahulugan, dahil 2015, 15 'yun at tamang-tama magti-thirty years old na rin si Heart on the 14th so kapag in-add mo, sabi nga ng anak ko, 15 plus 15, 30 daw 'yung total," sabi ng senador.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kung bakit sa Balesin Island sa Quezon Province ang napili nilang venue sa araw ng kanilang kasal?

"Gusto niya 'yung lugar na 'yun, matagal na. Pangalawa, ayaw naming maging circus, gusto naming hangga't maaari solemn, pribado at hindi 'yung typical na showbiz o kasal ng pulitiko. So malamang sa ceremony mismo pamilya lang at 'yung kasama sa entourage at siguro magre-reception na lang kami dito sa Maynila para sa lahat ng iba naming kaibigan," pahayag pa ng groom-to-be.

May mga nagsasabi na mahirap puntahan ang Balesin, kaya't hindi mapupuntahan ng "unwanted guests".

"Hindi naman para mahirap puntahan, hindi naman 'yon 'yong dahilan, siguro mas gusto niya lang' yong tanawin at saka makahulugan din 'yong lugar na 'yon sa amin kaya napili niya 'yun, siyempre siya 'yung sinunod ko. Pero sa bagay lang na 'yan," paliwanag ni Sen. Chiz.

Huwag na raw gawan ng intriga si Heart at si Cesca na mapapangasawa naman ni Tyke Kalaw dahil tapos na ang sinasabing "agawan" sa araw ng February 14 wedding day at naayos naman ito na wala nang isyu sa kanila.

"Actually hindi ko alam kung ano ang nangyari. Masayang pagkakataon dapat ang kasal nila, o namin o ninuman, hindi ko alam kung bakit kami 'dinamay o nadamay dahil no'ng mga panahon na sinasabi nila 'yun ni wala pa kaming petsa, eh. Actually, nagdecide kami ng petsa two weeks ago lang no'ng natapos 'yung kontrobersiya. Kaya hindi ko alam kung bakit nadamay kami, problema' yon marahil nila at nu' ng venue at wala kaming kinalaman kaya hindi kami nagsalita kasi hindi kami nakaapekto at hindi din naman kami apektado," ani Chiz.

Tungkol naman sa pagiging best man ni Pangulong Noynoy Aquino?

"Bago pa no'n, bago pa ako magpropose kay Heart tinanong ko na siya. No'ng pinag-uusapan kasi namin 'yon, sabi niya mas preference niya ang maging best man kesa ninong. Alam ko gusto niya' yun kasi may pamahiin na gano'n na kapag nagni-ninong ang isang tao na binata pa mas nade-delay 'yung pagpapakasal niya, so dapat lang na hindi siya maging ninong," pagtatapos ni Senador Chiz.