Narito ang karugtong ng ating paksa hinggil sa negatibo nating reaksiyon sa mga bagay o tao na nagdudulot sa atin ng pagkainis o galit – ito ang mga nagpapaayat ng umakyat ng ilang pulang guhit sa metro ng pagtitimpi ang iyong galit, kailangan natin ng kaunting reprogramming. Kailangang tanggapin natin ang mga pangyayari. Hindi natin kailangang sumang-ayon na lang sa mga pangyayari kundi ang tanggapin na naroon na iyon upang maging angkop ang ating pagtugon, mag-move on, at huwag madurog ng bigat ng negatibong enerhiya. Ano ang iyong gagawin?

  • Huminga nang malalim at mabagal. - Mababago mo ang iyong pakiramdam sa ilang paghinga nang malalim at mabagal. Kapag nagagalit o nabubuwisit tayo, mababaw at maiigsi ang ating paghinga. Ito ang dahilan kung bakit may kapangyarihan ang intensiyonal na paghinga nang mabagal at malalim sa pagpapakalma.
  • Alamin ang iyong emosyon. - Bigyan mo ng pangalan ang iyong emosyon: Frustration, Galit, Disappointment, Inis, Kabuwisitan. May karapatan ka sa iyong emosyon; ngunit kailangan mong mangibabaw sa mga negatibong emosyon na iyon. Huwag mong husgahan ang iyong sarili sa ipinakikita mong reaksiyon sa mga negatibong pangyayari. Ito ang unang hakbang upang lalo mong maintindihan ang kinasasangkutan mong problema.
  • Probinsya

    14-anyos na dalagita, ginahasa umano ng amain at 19-anyos na kapatid

  • Maliit na bagay lamang iyan. - Paalalahanan mo ang iyong sarili na maliit na bagay lamang ang kinakaharap mong problema. Ang maliit na problema ay iyon nga - maliit. Ang singitan ka sa mahabang pila o may cellphone ng kung sinong tanga ang kumililing habang nanonood ka ng sine ay maliit na bagay lang upang iyong ikagalit. Habang nasa pila ka, asahan mo na May bobong sisingit sa pila; at kung may sumingit nga, hindi ka na magagalit. Sa sinehan naman, asahan mo na may isa o dalawa o maraming tanga ang hindi magsa-silent ng kanilang cellphone bago pumasok; at sakaling may tumunog nga na cellphone habang sinasabayan mo ng pagluha si Juday, hindi ka na magagalit. Maliit na bagay lang iyan.

Durugtungan bukas.