Namatay ang isang magsasaka makaraang pagtatagain kahapon ng hindi nakilalang suspek sa Barangay Malubog sa Cebu City.

Sinabi ni SPO4 Alex Dacua, ng Cebu City Police-Homicide Section, na matigas na ang labi at tinatayang mahigit anim na oras nang patay si Demetrio Codisar, 68, taga-Sitio Kapitong, Bgy. Malubog nang matagpuan.

Nag-iisa lang na nakatira sa kanyang kubo si Codisar at pagnanakaw ang hinihinalang motibo sa krimen dahil nawawala ang motor ng biktima.
Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod