ISULAN, Sultan Kudarat – Dalawang tauhan ng Sultan Kudarat Provincial Police Security Company na nakatalaga sa bulubunduking bahagi ng Barangay Bantangan sa Columbio ang nasugatan makaraang masabugan ng hinihinalang landmine dakong 11:00 ng umaga noong Lunes.

Kinilala ni Supt. Marvin Fontalva, pinuno ng nasabing grupo ng Philippine National Police (PNP), ang mga nasugatan na sina PO1 Angelo Guanzon Vilo, na nasugatan sa kaliwang mukha at dibdib; at PO1 Richie Testa Cabello, na nasugatan sa hita at sa iba pang bahagi ng katawan.

New People’s Army (NPA) ang hinihinalang nagtanim ng nasabing pampasabog. (Leo P. Diaz)

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list