GUIMBA, Nueva Ecija - Labingwalong saksak sa katawan ang tinamo ng isang tricycle driver na natagpuang duguan at wala nang buhay sa kalsada ng Barangay Cawayang Bugtong sa bayang ito.

Sa ulat ni Supt. Renato David, hepe ng Guimba Police, sa tanggapan ni Senior Supt. Crizaldo Nieves, Nueva Ecija Police Provincial Office director, nakilala ang biktima na si Eric Padero y Octaviano, 38, binata, ng Rufina Homes,Bgy. Cacite sa Guimba.

Sa pagsisiyasat ni PO2 Rowell de Guzman, dakong 11:57 ng gabi noong Setyembre 20 nang magsadya sa himpilan ng pulisya si Junmar Manzano, ng Bgy. Cawayang Bugtong, at sinabing natagpuan niya sa lansangan ang walang buhay na biktima habang pauwi siya.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20