Setyembre 23, 1911 nang si Earle Lewis Ovington ay naging “first official airplane mail carrier” ng America. Lumilipad siya dala ang isang sako ng mga sulat, mula sa Garden City sa New York via a monowing plane, na gawa sa Bleriot IX model, na tinawag niyang “The Dragonfly.” Sa panahon na itinuturing na mapanganib ang aviation, nagbigay si Ovington ng matatag na fleet sa pagkakabit ng anim na steel straps sa ilalim ng pakpak at pagbiyahe sa altitude na halos 500 talampakan. Nang lumiham si US Post Office Department postmaster General Frank Hitchcock kay Lieutenant Governor Timothy L. Woodruff ng New York para maghanap ng piloto na gagawa ng unang airmail flight, inialok ni Ovington ang sarili.

Isinilang noong Disyembre 20, 1879, lumaki si Ovington na malikhain. Sa edad na siyam, sinabi ng kanyang tiyahin na nasira ang kanyang electric doorbell dahil palaging ninanakaw ni Ovington ang mga baterya nito para sa mga eksperimento nito. Namatay si Ovington noong Hulyo 21, 1936 sa edad na 57.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez