KITAKAMI CITY, Japan — Nakasungkit si Erlinda Lavandia ng mga silver medal sa discus throw at shot put upang idagdag sa una na niyang nakuha na bonze medal sa hammer throw noong Sabado sa 18th Asia Masters Athletics Championships sa Kitakami City, Iwate Prefecture, Japan.

Bumato si Lavandia ng layong 20.62 meters upang pumangalawa sa likod ni Matsuoka Kanako ng Japan na nagtala ng gold medal clinching na 23.11 meters sa discus throw events para sa kababaihang edad 60-64.

Muling nagtapos na runner-up si Lavandia kay Kanako, kapwa niya Asian Gamer, sa shot put para sa kanyang ikalawang silver medal. Nagbato siya ng 8.64 meters laban sa 9.52 meters ni Kanako sa kaparehong Oredoage group.

Una nang nakakuha si Lavandia ng bronze medal sa hammer throw event noong Biyernes habang naghahanda naman siya sa kanyang pagsabak sa paborito niyang javelin event kung saan siya ang kasalukuyang kampeon.

Eleksyon

Comelec, dismayado sa mga politikong maagang nangangampanya

Samantala, nakakuha naman ni Margarito Baniqued ng bronze medal sa 5000-m walk para sa kalalakihang edad 55-59.

Ang Philippine Team, na ang partisipasyon dito ay sinuportahan ni dating National Masters and Seniors Athletic Association (NMSAA) president Manny Ibay bago siya pumanaw, kasama ng San Miguel Corporation, Petron, Sportscore, L-Time Studio, Soma, El Lobo Energy Drink, Accel, PCSO, PSC at POC.