Judy-Ann-Santos_REGGEE

NAGING matagumpay ang first season ng Bet On Your Baby, ang pinaka-cute na game show ng bansa at dahil sa kahilingan ng publiko ay magbabalik na agad ito sa ABS-CBN.

Sa pangalawang season, mas magiging masaya dahil mapapanood na ang programa mula Lunes hanggang Biyernes. Kaya makakasama na ng bansa si Judy Ann Santos-Agoncillo sa buong linggo. Bukod kasi sa Bet On Your Baby, napapanood din si Judy Ann tuwing Sabado at Linggo sa bago niyang programa na I Do.

Tuluy-tuloy ang blessings sa buhay ni Judy Ann. Magaganda at positibo ang rebyu sa kanya ng Electus, ang original company creator ng Bet On Your Baby. Dahil sa kakaibang pag-host niya sa programa—siya lang ang nag-iisang host nito na sumasayaw sa show—naging international peg na ang Pinoy edition ng Bet On Your Baby na ipinapakita bilang ehemplo ng Electus para sa mga bansang gustong makuha ito bilang franchise.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Magsisimula na bukas ang second season at mas magiging masaya ang programa dahil sa dalawang bagong segments na “Wachamakulit” at “Dice Dice Baby”. Bukod dito, mas malalaking premyo pa ang nakahanda para sa mga pamilyang sasali.

Sa jackpot round ng bagong season, mas maraming baboy na ang maaaring basagin. Sa loob ng 15 na piggy bank, makakakuha ang bawat pamilya ng halagang hindi bababa sa P25,000 at iba pang mga premyo. Siyempre, naroroon pa rin ang grand prize na house and lot o kaya ay P1 million.

Huwag palalampasin ang simula ng Bet On Your Baby: Season 2 bukas at mapapanood na rin simula Lunes hanggang Biyernes bago mag-Pure Love sa ABS-CBN pa rin.