Aegis-Band-copy

Ni REMY UMEREZ

NAUUSO ang reunion concerts ng mga bandang sumikat nang husto noong mga nakalipas na dekada. Ilan lamang sa kanila ang The Minstrels, Circus Band at ang nalalapit na reunion ng Music and Magic sa Oktubre.

Sa December 5 ay masasaksihan ang, sa maniwala kayo o hindi, first major concert ng iconic na Aegis Band na pinamagatang Aegis, Unang Birit.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon sa vocalist ng banda na si Mercy Borjal, ito ang itinuturing nilang biggest achievement in their singing career sapul nang itatag ang banda nila noong 90s.

“Kay tagal namin itong pinangarap at hindi na kami umasa pang mangyayari ito. Kung nakapagtanghal man kami ay puro guesting lamang. Salamat kay Boss Vic del Rosario sa tiwala at pananalig sa aming kakayahan. Makakaasa kayong hindi namin bibiguin ang mga manonood dahil lahat ng aming hits ay muling mabubuhay,” sabi niya.

Kabilang sa maraming signature songs ng Aegis ang Halik na magpahanggang ngayon ay kinakanta ng marami, Basang-Basa sa Ulan at maraming iba pa.

Ikinatuwa ni Mercy ang planong isama sa concert nila as special guest ang isang bagong child singing sensation.