ANG kapistayan ng Our Lady of Peñafrancia, ang patron ng Bicolandia, ay ipiangdiriwang tuwing ikatlong Sabado ng Setyembre. Taglay ng ika-304 taon ng selebrasyon ang temang “Laity: Sent Forth with INa to Witness to Christ’s Gospel and Strengthen Communities of Faith”.

Ang kapistahan ay pangungunahan ng isang novena. Sa unang araw, ang imahe ng Mahal na Birhen, na kinagiliwang tawaing “Ina” ng mga Bicolano, ay binabalikat ng mga voyadero na nakapaa na bumubuo ng isang human barricade upang protektahan ang imahe, at ang Divino Rostro (Banal na Mukha ni Jesus) ay inililipat sa idinaraos na Traslascion – isang tradisyon na nagsimula noong 1885 – mula Peñafrancia Basilika Minore patungong Metropolitan Cathedral ng Naga City.

Sa huling araw ng selebrasyon, ibinabalik ang imahe sa basilika habang sumisigaw ang mga deboto ng “Viva la Virgen!” at Viva El Divino Rostro!” sa isang fluvial procession sa Naga River. Sumasakay ang mga deboto at ng mga pagoda boat na may mga nakasinding kandila at mga banner at nagrorosaryo. Ito ang pinakamalaki at pinakatanyag na religious event sa rehiyon, isang pagpapakita ng pananampalataya, pagmamahal, at debosyon. Ang tanyag na imahe ay pinaniniwalaang may milagrosong kapangyarihan. Nangagkatipon ang mga deboto sa kanyang dambana upang humiling, magpasalamat, at parangalan siya sa mga biyayang natanggap.

Bukod sa Traslacion at fluvial parade, may ilang aktibidad na inihanda ang pamahalaang lokal: Miss Bicolandia 2014, Bishop Gainza trade fair, fancy drill competition, Marian youth congress, Naga City highland triathlon, regional cheer and dance competition, scouts parade, civic parade and float competition, Peñafrancia Voyadores Festival 2014, aldaw nin Katalingkasan sa Espanya, isang Bicol regional military parade, Regatta sa Salog, at ang 2nd Penafrancia Short Film Festival awards night.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nagsimula ang debosyon sa Our Lady of Peñafrancia sa San Martin de Castanar village sa Salamanca, Spain nang may isang nagngangalang Simon Vela ang nakatagpo noong Mayo 19, 1434 ng isang imahe ng Mahal na Birhen. Noong 1700, lumipat ang pamilya Covarrubias ng San Martin de Castanar sa Pilipinas at nanirahan sa Cavite. Isa sa kanilang mga anak, si Miguel, ang naging sakitin habang nag-aaral sa University of Santo Tomas. Isang deboto ng Our Lady of Peñafrancia, natuklasan ni Miguel ang isang painting ng imahe na natagpuan ni Simon Vela, at inilapat sa kanyang katawan at naginhawahan siya sa kanyang karamdaman. Inimbita siya ni Bishop andres Gonzales (1685-1709) nua sumama sa kanya sa Diocese of Nueva Caceres. Naging diocesan priest si Miguel at kalaunan, naging Vicar General.

Pinalaganap ng mga obispo ng Nueva Caceres ang debosyon. Si Bishop Isidro arrival (1740-1751) ang nagtayo ng unang batong simbahan – ang Santuario de Peñafrancia – sa pampang ng ilog ng Bicol. Pinalaki ni Bishop Francisco Gainza (1862-1879) ang santuwaryo at sinulat ang kasaysayan ng Peñafrancia. Isinalin ito sa English ni Monsignor Florencio Yllana noong 1945.