Lumalakas ang panawagan ang iba’t ibang grupong kontra krimen para sa pagbibitiw si Philippine National Police (PNP) Chief Dir. Gen. Alan Purisima matapos siyang tumangging magkomento sa mga krimen na kinasasangkutan ng pulis.

Sa pangunguna ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), iginiit nila na panahon na para magbitiw bilang pinuno ng PNP si Purisima.

“Si General Purisima ay hindi na talaga katanggap-tanggap sa mga taong dapat pinagsisilbihan niya. Nagtatago siya sa saya ng presidente. Hindi dapat ganoon,” sabi ni VACC Founding Chairman Dante Jimenez.

“Kahit kami we have confidence in him but then as a gesture to show your men that you stand on principles the first thing you do is resign. Hindi lang siya, pati ‘yung iba’t ibang station commander,” sabi naman ni Teresita Ang See.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists