Binigyan ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) ng hanggang katapusan ng Setyembre para tapusin ang imbestigasyon sa sinasabing sabwatan ng mga trader at mga opisyal ng pamahalaan para manipulahin ang presyo ng bawang.

Sa isang ambush interview, sinabi ni NBI director Virgilio Mendez na ang imbestigasyon ng bureau ay magpopokus sa mga ulat na ang mga opisyal ng Department of Agriculture, kasama ang mga opisyal sa mga kaugnay na ahensiya ng Bureau of Plant Industry (BPI), ay nakipagsabwatan sa cartel para lumikha ng artipisyal na kakulangan at isulong ang pagtaas ng presyo ng bawang.

Sinabi niyang tukoy na ng mga imbestigador ang pagkakakilanlan ng mga nakipagsabwatan sa tauhan ng BPI para diktahan ang presyo ng nabanggit na kalakal.

“We were given until the end of this month to finish and probably to file charges against anyone involved in the price manipulation if there is enough evidence,” sinabi ng NBI chief.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Nagsagawa ang NBI ng fact-finding probe matapos lumabas sa imbestigasyon ng DOJ Office for Competition (DOJ-OFC) na ang pagtaas ng presyo ng bawang ay bunsod ng pagpipigil sa supply ng isang grupo ng mga importer na nagdidikta ng mataas na presyo.