Kinalampag ng mga urban poor group ang Commission on Audit (CoA) noong Huwebes upang ilabas ng ahensiya ang buo nilang audit report sa P50 bilyong Informal Settler Fund (ISF).

Paliwanag ni Kalipunan ng Mamamayang Mahihirap (Kadamay) secretary general Carlito Badion, ang nasabing pondo ay inilaan ng pamahalaan upang gastusan ng National Housing Authority (NHA) ng P10 bilyon kada taon (sa loob ng 5 taon) ang pagpapatayo ng pabahay para sa mga informal settler sa Metro Manila.

“Almost three years since its first release in October 2011, the fund could have reached more than P20 billion yet we are not feeling any improvement in the housing condition of the poor,” ayon kay Badion.
National

LPA sa loob ng PAR naging bagyo na, pinangalanang ‘Nika’