Sa pagdiriwang ng ika-114 taon ng Civil service Commission (CsC), ang central personnel agency ng gobyerno, ngayong setyembre 19, ay nagpaparangal sa masisipag at sakripisyo ng mahigit 1.4 milyong kawani ng burukrasya, na ginagabayan ng CsC core value ng “Gawing Lingkod Bayani ang Bawat Kawani”. Hinihimok ang bawat kawani na maging lingkod bayani saan man ito magtungo.

Pinatitibay ng tema para ngayong taon na “Tapat na serbisyo alay Ko, dahil Lingkod Bayani ako”, ang progreso at mga reporma na napagtagumpayan ng CsC upang iangat ang kapakanan ng mga kawani ang mga pamilya nito, pati na rin ang magdulot ng inspirasyon upang tumugon sa panawagang maging mahusay at mag-ambag sa pagpapatibay ng bansa.

Nagbalangkas ang CsC at ang mga kaagapay na ahensiya nito ng mga programang nakatuon sa pagtataguyod ng kagalingan, environmentalism, kultura at sining, tulad ng pagdi-display ng anniversary banner sa lahat ng tanggapan ng gobyerno; RaCE (acronym para sa apat na ideal ng CsC na Responsive, accessible, Courteous, and Effective Public service) sa isang fun run para sa malusog na pamumuhay at ang malilikom na halaga ay magiging bahagi ng Pondong Pamanang Lingkod Bayan na nagbibigay ng suportang pinansiyal sa mga pamilya ng mga kawaning napaslang habang tumutupad ng tungkulin; paggawad ng 2014 Presidential Lingkod Bayani, Dangal ng Bayan at CsC Pag-asa awardees upang parangalan ang mga natatanging opisyal at kawani na igagawad ni Pangulong Benigno s. aquino III; mayroon ding choral competition na magtatanghal ng pagkamalikhain at talento sa musika ng mga kawani; may special treats para sa mga kawani tulad ng libreng sakay sa LRT/MRT at Pasig River ferry service, libreng entrance sa mga galeriya at museo, at mga diskuwento sa mga department store; at pagtatanim ng puno sa buong bansa.

Ang CsC ay isa sa tatlong independent constitutional commission, kasama ang Commission on Elections at Commission on audit. Nilikha ito noong setyembre 19, 1900 sa bisa ng act No. 5 ng second Philippine Commission at nireorganisa upang maging isang bureau noong 1905. Pinalawak ng 1935 Constitution ang sakop ng CsC upang masaklaw ang national government, local goverments, at mga korporasyon ng gobyerno. Noong 1959, ang Bureau of Civil service ay naging CsC sa bisa ng Republic act 2260, ang Civil service Law. Noong 1975, sa bisa ng Presidential Decree 807, ang Civil service Decree of the Philippines, ito ay naging central personnel agency.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Tinutupad ng CsC ang kanilang mandato ng pagpapatibay ng merit, fitness and rewards system, at ang integrasyon ng human resource development programs sa lahat ng kawani, maging ano man ang antas. Ito ang nagbibigay ng huling arbitrasyon sa mga di pagkakaunawaan at aksiyon ng kawanihan sa mga bagay hinggil sa civil service, at ito rin ang nangangasiwa ng Career service professional at sub-professional na pagsusulit, pati na rin ang Career Executive service Officers examination para sa mga nagnanais magtrabaho sa gobyerno.