Setyembre 19, 1848, nadiskubre ang buwan ng Saturn na “Hyperion” ng British astronomer na si William Lassell at ng mga Amerikanong sina William Cranch Bond at George Philip Bond. Ang Hyperion ay tila isa lamang tuldok sa paningin ng mga astronomer hanggang sa dumaan ang Voyager II spacecraft sa Saturnian system

noong 1981.

Ang buwang Hyperion ay itinuturing na pinakamalaking kilalang non-spherical body sa Solar System. Ito ay hugis patatas at pinaniniwalaan na bahaging natira mula sa isang mas malaking buwan na winasak ng matinding banggaan. Ang kanyang diameter kasama ang tatlo pa sa kanyang mga axis ay 410 x 260 x 220 kilometro, ayon sa pagkakasunod. Higit na mapapansin ang matitingkad na mukha nito na puno ng butas na nagpapahiwatig na ito ay sagana sa nagyeyelong tubig.

Ang pangalang “Hyperion” ay isinunod sa pangalan ng isang Greek god na nangangahulugang “siya na nakamasid sa atin.” Ang diyos ay anak ni Kronus, at ng asawa nitong si Thea. Ang iba pa nilang mga anak ay sina Helios (ang araw), Eos (ang bukangliwayway), at Selene (ang Buwan).
Eleksyon

49 na senatorial aspirants, naghain ng COC ngayong Oct. 7