Annabelle-doll-copy

SA pamamagitan ng isang Facebook post, inihayag ng Mezco Toys na magbebenta ito ng bersiyon ng Annabelle, ang nakakatakot na manyika na itinampok sa pelikulang The Conjuring at magbabalik sa prequel na nakapangalan sa laruan.

Ipinalabas noong 2013, itinampok sa The Conjuring ang mga Warren, isang husband-and-wife paranormal detective team, at ang pagsisikap nilang tulungan ang isang mag-anak na ginugulo ng demonyo. Ang prequel na Annabelle, na ipalalabas na sa Oktubre 3, ay nakatutok naman sa pinagmulan ng kuwento ng nakakatakot na manyika.

Siyempre pa, ang manyika, na sisimulang ibenta ng Mezco Toys sa huling bahagi ng taong ito, ay hindi ang tipikal na rosy-cheeked baby doll na makakaengganyo sa sinumang babae na maalala ang paborito niyang manyika noong bata pa siya. Ang Annabelle ang tipong gugustuhin mo na matulog nang bukas ang ilaw, o kaya naman ay ikandado na lang ito sa closet. Para sa sinumang interesadong bilhin ang manyika para sa kanilang mga anak, makakatulong sa inyong pagdedesisyon ang trailer ng Annabelle: youtube/AA2pFq9pFTA.

Eleksyon

Diwata, nabudol nga ba ng sinalihang party-list?

Ang toy company rin, na nagbebenta ng Batman at Breaking Bad dolls, ang naglabas sa merkado ng iba pang nakakatakot na manyika, gaya ng Chucky at Living Dead dolls. - Agencé France-Presse