DAMASCUS (AFP) – Umapela kahapon si US Secretary of State John Kerry para sa isang pandaigdigang koalisyon laban sa “genocidal agenda” ng Islamic State matapos aminin ni Pangulong Barack Obama na wala siyang naiisip na estratehiya laban sa teroristang grupo.

Ang panawagan ni Kerry ay kasunod ng desisyon ng Britain na itaas ang terror alert level sa bansa kaugnay ng posibilidad ng mga pag-atake ng mga jihadist.

Ang bilang ng nagsilikas mula sa Syria ay umabot na sa tatlong milyong katao, ayon sa United Nations.

Isinulat sa New York Times, isang linggo bago ang NATO summit sa Wales, hinimok ni Kerry ang isang “united response led by the United States and the broadest possible coalition of nations.”
National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!