Lumagda na ng kontrata ang second overall pick ng nakaraang PBA Annual Rookie Draft na si Kevin Louie Alas sa ng Rain or Shine.

Naganap ang paglagda ni Alas, ang ikalawa sa apat na anak na lalaki ng dating letran coach at ngayo’y Alaska Aces assistant coach na si Louie Alas, para sa tatlong taong kontrata noong nakaraang Huwebes.

Mismong ang 22-anyos na si Alas ang nagkumpirma ng kanyang pagiging opisyal na bahagi na ngayon ng Rain or Shine sa kanyang Twiiter account.

“Dream come true” umano para kay Alas ang kanyang pagpirma sa Rain or Shine dahil talagang pangarap niyang makalaro sa PBA at excited na rin sya na sumabak sa kanyang unang laro bilang isang professional cager.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Bagamat hindi isiniwalat ng 6-foot-1 na si Alas ang detalye ng kanyang kontrata, sinasabing nakapaloob sa kanyang pinirmahan na tatanggap ito ng maximum rookie salary bago matapos ang unang dalawang taon ng kanyang kontrata habang magkakaroon ng panibagong negosasyon sa ikatlong taon base na rin sa kanyang magiging performance.

Maliban kay Alas, kinuha rin ng Elasto Painters sa draft sina dating Adamson guard Jericho Cruz, Kevin Espinosa ng Mapua at Mike Gamboa ng University of the Philippines.

Ngunit wala pang balita kung kailan papapirmahin ang tatlong nabanggit.

Batay sa basa ng mga eksperto sa sitwasyon, si Alas ay tila paniguro ng Rain or Shine kung sakaling hindi na nila mahikayat na mag-renew ng kontrata ang kanilang manlalarong si Paul Lee na kasalukuyan ngayong nasa Spain para lumaro sa Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup na magsisimula ngayong araw na ito.