TUYO PA RIN. Sinasalansan ng  tindera ang mga panindang tinapa sa isang palengke sa Manila noong Agosto 28, 2014. Bumawi ang ekonomiya ng  Pilipinas at nagpaskil ng 6.4 porsiyentong paglago mula Abril hanggang Hunyo, ang  ikalawang pinakamataas sa Asia sa kabila ng

Inihayag ng National Statistical Coordination Board (NSCB) na sa second quarter ng 2014 ay tumaas sa 6.4 porsiyento ang gross domestic product (GDP) ng bansa.

Sa ulat ng mga ahensiya ng gobyerno, mas mataas ito sa median forecast na 6.2 porsiyento kumpara sa first quarter ng taon na 5.6 porsiyentong GDP.

Ayon sa NSCB, malaking ambag sa paglago ng ekonomiya ang industry sector na nakapagtala ng 7.8 porsiyentong growth rate, at services sector na may 6.0 percent growth rate.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Bagamat itinuturing na mas mababa ito sa 7.9 porsiyentong GDP sa second quarter noong 2013, nananatili namang isa sa mga “brightest spot” ang Pilipinas sa rehiyon at ikalawa sa pinakamabilis lumagong ekonomiya sa Asia.

Positibo ang National Economic and Development Authority (NEDA) na masasapul ang full year growth target na 6.5-7.5 porsiyento sa pagtatapos ng 2014.