CAUAYAN CITY, Isabela - Wala nang buhay nang matagpuan ang isang babae na brutal umanong pinaslang ng live-in partner nito bandang 4:00 ng umaga kahapon sa Barangay San Fermin sa Cauayan City, Isabela.

Kinilala ng kapatid na si Bambi Bassig ang biktimang si Nina Bassig, 23, kawani ng Big Mac Hamburger at residente ng Bgy. Flores, Naguilian, Isabela, habang ang suspek na nasa kostudiya ng pulisya ay si Randy Layugan, kinakasama ng biktima.

Ayon sa Scene of The Crimes Operations (SOCO), nagtamo ng 10 saksak ng kitchen knife sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Nina, na ayon sa kapatid ay madalas umanong saktan ni Layugan. - Wilfredo Berganio

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists