Patay ang isang pinaghihinalaang tulak ng ilegal na droga makaraang pagbabarilin ng umano’y grupo ng vigilantes sa Quezon City, iniulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ang ni Supt. Eleazar Matta, hepe ng Batasan Police Station 6, ang biktima na si Billy Dejango, 39, ng No. 28 Don Fabian St., Barangay Commonwealth, Quezon City.

Si Dejango ay namatay noon din sa lugar ng pinangyarihan dahil sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Pinaghahanap ng awtoridad ang dalawang vigilante na tumakas sakay ng isang motorsiklo matapos ang pamamaril.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Dakong 10:30 ng gabi, habang nakatayo at nagpapahangin si Billy sa Don Fabian St., sa tapat ng Hair Salon Parlor, nang biglang sumulpot ang scooter na walang plaka na kinalululanan ng dalawang suspek at pinagbabaril nang malapitan ang biktima.

Nabatid na si Billy ay inaakusahang drug pusher sa lugar at bago naganap ang pamamaslang sa kanya ay may ilang araw nang may umaaligid na sakay ng motorsiklo na tila hinahanap ang biktima. - Jun Fabon