Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) noong Lunes na walang Pilipino na naapektuhan ng malakas na lindok na tumama sa California, USA.

“According to our Consulate General in San Francisco, they have not received any report of Filipinos affected by the earthquake in California,” sabi ni DFA spokesperson Charles Jose.

Mayroong tinatayang 1.5 milyong Pilipino na naninirahan sa California.

Tumama ang 6.0 magnitude na lindol sa California noong Linggo, malapit sa north shore ng San Pablo Bay. Ayon sa United States Geological Survey (USGS), inaasahan ang aftershocks kasunod ng isang malakas na lindol. - Madel Sabater –Namit
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente