Muling nakapag-uwi ng gintong medalya si Southeast Asian Games long jump queen at record holder na si Marestella Torres matapos nitong lampasan ang itinakdang 17th Asian Games standard sa unang araw ng 76th Singapore Track and Field Open sa Choa Chu Kang Stadium.

Nagawang talunin ng two-time Olympian na si Torres ang layong 6.45 metro upang angkinin ang isa sa tatlong gintong medalyang napanalunan ng bansa sa pagsisimula ng torneo kung saan naabot nito ang unang itinakdang criteria para makasama sana sa pambansang delegasyon.

“Marestella jumped 6.45 meters in Singapore Open to win gold and become Asia’s leading jumper. We have great hopes for Gold in the Asian Games,” sabi ng nag-aalaga dito na sports patron na si Jim Lafferty.

Tinalo ni Torres sina Mohamad Nafiah ng Malaysia (6.14m) at Chanmi Bae ng Korea (6.00m).

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Gayunman, ipinaalam ng POC-PSC Asian Games Task Force na huli na ang lahat para kay Torres na huling nagtala ng 6.49 metro sa kanyang paglahok noong 2010 Guangzhou Asian Games.

“Why not? She was registered. Its right for the nation. She is a gold medal material and only getting stronger. And she deserves leniency coming off a recent pregnancy,” pagtatanong ni Lafferty.

“Way beyond the deadline. No is the answer,” sabi lamang ni Philippine Olympic Committee (POC) Chairman at Task Force member Tom Carrasco.

Matatandaang una nang binigyan ng pagkakataon si Torres na maipamalas ang kanyang kakayahan upang abutin ang ikalimang puwestong standard na 6.36 metro subalit nabigo ito na maabot. Nakapagtala lamang ito ng malayong 6.17 sa isinagawang performance jump.