Napanatili ng dalawang Pilipino ang kanilang WBC regional titles laban sa nakasagupang Indonesian at Thai boxers sa mga sagupaan na naganap sa Paranaque at Makati, habang lima pang Pinoy boxers ang nanalo kasabay ng tatlong nagpasiklab nang magwagi sa kanilang mga laban kontra mga boksingerong Hapones sa Kobe Japan.

Dalawang rounds lamang ang kinailangan ni WBC Asian Boxing Council junior middleweight titlist Dennis Laurente para mapatigil si Indonesian Elly Pangaribuan kamakalawa ng gabi sa Elorde Grand Ballroom sa Sucat, Paranaque kaya inaasahang aangat siya sa WBC ranking kung saan nakatala siyang No. 15 contender sa kampeong si Floyd Mayweather Jr. ng Estados Unidos.

Kasabay nito, nanalo rin si WBO Asia Pacific junior lightweight titlist Juan Martin Elorde sa 6th round technical decision laban kay Indonesian Juniston Simbolon na napabagasak niya sa 2nd round ng laban. Napatukan si Elorde ng kilay sa accidental headbutt kaya itigil ang laban at nanalo ang Pilipino sa mga iskor na 60-52, 60-52 at 59-53.

Nagwagi rin si Juan Miguel Elorde sa 5th round knockout nang magpakawala ng matinding bigwas sa bodega kaya bumagsak at hindi na nakabangon si Paulos Baransano ng Papua New Guinea.

National

Makabayan bloc, pinuna balak ni FPRRD na maging abogado ni VP Sara: 'Desperate political maneuver!'

Isang round lamang ang kinailangan ni WBC Asian Boxing Council light flyweight champion Richard Claveras nang mapatulog niya ang knockout artist mula sa Thailand na si Sangthong Chor Pakdee sa Makati Cinema Square Boxing Arena nitong Biyernes ng gabi.

Bukod sa napanatili ni Claveras ang kanyang titulo at napaganda ang kartada sa 9-0-2 win-loss-draw na may 9 na panalo sa knockouts, tiyak na papasok siya sa world rankings ng WBC samantalang lumasap ng unang pagkatalo si Pakdee matapos ang apat na panalo, lahat pawing sa knockouts.

Unang nanalo noong Biyernes din ng gabi sa Japan ang 25-anyos na si Jhunriel Ramonal sa 8-round split decision laban kay Kota Fukuoka at inaasahang muling sasabak ang Pinoy boxer sa isang world rated boxer sa Tokyo sa kanyang susunod na laban.

“It was close and exciting action fight. All rounds were competitive and there were lots of blows thrown. At the end Jhunriel Ramonal got the win and we are happy tonight here in Kobe,” sabi ng manedyer ni Ramonan na si Aloe Jaro ng Philboxing.com.

Sumunod na nanalo si Roque Lauro sa 8-round split decision laban kay Ryuya Yamanaka samantalang nanalo rin si Renoel “Raja” Pael sa 8-round unanimous decision laban kay Yuki Yonaha.