Ipinag-utos ni Manila City Vice Mayor Isko Moreno ang suspensiyon sa dalawang tow truck bunsod ng patung-patong na reklamo na natanggap ng pamahalaang siyudad hinggil sa mga abusadong driver at tauhan ng mga ito.
Ayon kay Moreno, inatasan na niya si Manila Traffic and Parking Bureau chief Carter Logica na ipatupad ang suspension order sa dalawang tow truck ng RMW Towing Company na puntirya ng reklamo ng mga motorista.
Aniya, nagtatag na rin ang Office of the Vice Mayor ng complaint desk upang tumanggap ng reklamo mula sa mga motorista hinggil sa pang-aabuso ng mga towing company sa Manila.
Sinabi ni Moreno na hindi dahilan na umabuso ang mga towing company kaugnay sa “no obstruction” policy na isinusulong ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada laban sa mga illegally-parked na sasakyan sa siyudad. - Jean Fernando