Nagbigay ng “time frame” ang pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na sisibakin sa tungkulin ang mga station commander sa Metro Manila na bigong mapababa ang krimen sa kanilang nasasakupan.

Ito’y matapos magbigay ng direktiba si Interior Secretary Mar Roxas kay NCRPO Chief Director Carmelo Valmoria na mahigpit na subaybayan ang performance ng mga pulis sa pagresolba ng krimen sa kanilang hurisdiksiyon.

Nauna rito, sinibak sa puwesto ni Valmoria si Caloocan City Police Chief Senior Supt. Bernard Tambaoan noong Agosto 14 dahil sa kapalpakan nito sa trabahong administratibo.

Kasunod na sinibak ni Valmoria sa tungkulin si Supt. Luis Francisco Jr., Manila Police District-Station 11 commander, sa kabiguang maresolba ang krimen sa naturang lugar.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Gayunman, sinabi ni Valmoria na bagamat may nasisibak na mga tiwaling police commander ay patuloy naman ang pagbibigay ng pagkilala sa rank and file personnel ng Philippine National Police (PNP) dahil sa mga natatanging kontribusyon ng mga ito.

Inihalimbawa dito si PO2 Cesar Tolentino ng Caloocan City Police, na tatanggap ng spot promotion sa kanyang “heroic act” sa mabilis na pagresponde at pagkakapatay sa dalawang motorcycle-riding suspect na nanloob kamakailan sa isang gasolinahan sa Quirino Avenue, Quezon City.