Inaalam ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ulat kaugnay sa isang Pinoy seaman na isinasailalim sa tests sa Togo na posibleng pagkahawa sa nakamamatay na Ebola virus.

Ayon sa report ng Reuters, Huwebes nang maglabas ng pahayag ang senior health official sa Togo na isa ang Pinoy sa dalawang pinaghihinalaang kaso ng Ebola.

Sa huling tala ng World Health Organization (WHO), umabot sa 2,473 indibidwal ang tinamaan ng Ebola virus at 1,350 rito ang namatay nang ideklara ang outbreak sa ilang bansa sa West Africa,  partikular sa Guinea noong Marso.

Naiulat din ang pagrekober sa virus ng isang Amerikanong doktor matapos bigyan ng experimental drug.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nahawa si Dr. Kent Brantly sa paggagamot ng mga biktima ng Ebola sa Liberia.Agad dinala ang doctor sa Atlanta hospital at ginamot gamit ang ZMapp mula sa US-based Mapp Biopharmaceutical.

Bumuti na rin ang kalagayan ng tatlong African doctor na gumamit ng ZMapp sa Liberia ayon kay Liberian Information Minister Lewis Brown.