Ilang araw tapos makapanayam sa telebisyon si Major-General Jovito Palaparan (December 20, 2011, Programang Republika, Channel 8 Destiny Cable), nag-TNT na siya. Ang munting programa ko ang nagsilbing huling interbyu nito, bago tulad sa bula, nagpalamon sa dilim at pakikipagpatintero sa otoridad. Natatandaan ko pa ang dighay ni Palaparan -- sa naging pagbuhay ng Department of Justice (DOJ) sa kanyang kaso, nagsilbing signus -- hindi niya makakamtan tunay na katarungan sa kasalukuyang panahon.

Tapos na ang aming isang oras na programa noon, kasama kanyang mga abogado. Nakatayong nag-uusap kami sa labas ng studio bandang pasilyo. Dahil sa mga nabanggit niya sa ating panayam, binigyan niya ako ng paunang paalam na baka nga magtatago siya tulad ni Senador Ping Lacson. Magugunitang, pumuga din si Lacson sa kuko ng pag-aresto at naghanap ng tamang klima bago ito lumitaw muli at humarap sa mas patas na proseso ng hustisya.

Naunawaan ko ang kinakaharap na suliranin ni Palparan. Parang “weather-weather” ba. Napalipad hangin ko sinabing, kung handa siyang huwag makipag-usap o makipagkita, kelan man, sa kanyang pamilya habang mistulang “fugitive from justice” siya. Upang huwag sila madamay o mapag-initan ng otoridad. Mapait na pangitain sa isang padre-de-pamilya ang mawalay sa asawa, anak at tahanan. At ang pinaka-malaking hamon sa kanya, ang huwag magpahuli.

Inilathala ng dalawang abogado ni Palaparan sa Republika na duda sila sa asta ng DOJ kontra sa kanilang kliyente. Bale na dismiss ng unang DOJ Investigating Panel ang charge na abduction at arbitrary detention laban kay Palparan. Tapus eto at sinampahan siya panibagong kidnapping para sa kaparehong sala! Ano kaya yun? Tumpak ang unang inihablang kaso dahil alinsunod sa kanyang pagiging opisyal ng AFP. Nang pumalpak ang DOJ, kidnapping ang pambawi. Problema lang, kidnapping ay pribadong krimen! Hindi sibilyan o pangkaraniwang tao si Palaparan noong nawala o dinukot ang mga estudyante. Sa ibang usapan, gusto ni Palaparan sumuko kay P-Noy noong nakalipas na taon. Nagpaabot ang Heneral ng mensahe sa Palasyo. Hindi pinansin. Bakit pag “Pork barrel queen” ang mag-surrender, agad-agad at nanginginig pa? Bawal ang pikon po.
National

Romina, napanatili ang lakas habang kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands