Jason Statham

SI Jason Statham ang tinanghal na UK's Celebrity Manliest Man.

Ang 47-anyos na aktor, na kasintahan ang modelong si Rosie Huntington-Whiteley, ang nanguna sa national survey. Tinalo niya sina David Beckham at Gerard Butler sa titulo sa impressive na 24 porsiyento ng mga boto.

Pumangalawa si Ray Winstone, 57, na may 18 porsiyento at si Tom Hardy, 36, naman ang pumangatlo sa 10 porsiyento ng mga boto.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Tie naman ang dating soccer star na si David at si Gerard sa ikaapat na puwesto na may walong porsiyento, kasunod si Idris Elba na nakakuha ng pitong porsiyento.

Ang EastEnders hunk na sina Danny Dyer at Billy Connelly ay nasa ikaanim na puwesto (5%), si Colin Farrell at si Lewis Hamilton ang nasa ikapito at ikawalong puwesto na may tatlo at apat na porsiyento, ayon sa pagkakasunod.

Nasa ibaba ng listahan sina Prince William, Simon Cowell at Tom Daley na mayrong tig-iisang porsiyento ng mga boto.

Ang Celebrity Manliest Man list ay inilabas kasabay ng pagsasama ng Men's Fitness magazine at ng cancer charity Orchid sa The Bluebeards Revenge para ilunsad ang kampanya na maghahanap ng Britain's Manliest Man. - Bang