Nakipagtulungan sina Quezon City Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte sa iba’t ibang grupo ng mga motorcycle rider sa lungsod

Nabigong makalusot kay Quezon City Mayor Herbert Bautista ang “plakavest” ordinance bagamat aprubado na ito ng konseho ng siyudad.

Sa isang pulong-balitaan, itinalaga ni Bautista si Vice Mayor Joy Belmonte upang pamunuan ang policy-making body na tatalakay sa iba pang mahahalagang isyu na may kinalaman sa isinusulong na ordinansa.

Samantala, pinuri ni Amin Hamsa, pangulo ng Quezon City Motorcycle Federation (QCMF), ang naging hakbang ni Bautista dahil, ayon sa grupo, ay may mas karapat-dapat na solusyon upang maiwasan ang krimen na kinasasangkutan ng mga motorcycle-riding criminal (MRC) sa halip na ipatupad ang kontrobersiyal na ordinansa sa “plaka-vest.”

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Ayon kay Hamsa, kabilang dito ang pagtatalaga ng mga motorcycle zone na ang mga rider ay kailangang mag-alis ng helmet at ipakita ang kanilang mukha sa closed circuit television camera.

Ikinagalit naman ni Councilor Ranulfo Ludovica, may akda ng “plakavest” ordinance, ang ginawang pag-veto ni Bautista sa ordinansa kasabay ng pahayag ng “congratulations” sa mga kriminal na naka-motorsiklo.

“We have worked long and hard for this to be approved. Now everything went down the drain,’’ ani Ludovica.

Duda rin si Ludovica na maipapasa pa bilang batas ang “plaka-vest” dahil kailangan nito ang boto ng two-third ng konseho bago ang isang voted ordinance ay maaprubahan. - Chito Chavez