CLEVELAND (AP)– Nais ni Shawn Marion na magkaroon ng isa pang tsansa para sa NBA title.

Makukuha niya ito sa kanyang pagsama kay LeBron James.

Pumayag na ang free agent forward sa isang kontrata sa Cavaliers, isang taong pamilyar sa negosasyon ang nagsabi sa The Associated Press kahapon. Ipinaalam ng 36-anyos na si Marion sa Cavs noong weekend na kukunin niya ang minimum deal at maglalaro para sa kanila sa paparating na season, ayon pa sa source na hiniling na huwag pangalanan dahil hindi pa naisasapinal ang kontrata.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Naging interesado rin si Marion na pumirma sa Indiana Pacers, na naghahanap ng ayuda matapos mawala si Paul George para sa season dahil sa nabaling binti.

Ang ESPN.com ang unang nag-ulat ng kasunduan ni Marion at ng Cavs.

Maaari lamang bigyan ng Cavs si Marion ng deal na nagkakahalaga ng $1.40milyon dahil wala na itong espasyo sa ilalim ng salary cap.

Isang four-time All-Star, bibigyan ni Marion ang Cleveland ng isa pang beteranong postseason experience upang tulungan si James, na nagbalik sa Cavs at target na makuha ang unang kampeonato ng lungsod mula 1964. Una nang pinapirma ng koponan sina Mike Miller at James Jones, na nakasama ni James na nanalo ng NBA titles sa Miami.

Napapalapit na ang Cleveland sa pagkakadagdag kay All-Star forward Kevin Love, na inaasahang magtutungo sa Minnesota sa isang trade bago o matapos ang Agosto 23. Habang magdadagdag si Love ng taas sa Cavs, isang magaling na shooter at passer, hindi pa nito nararanasang maglaro sa postseason bilang isang pro.

Sa kabilang dako, si Marion ay nakaabot na sa 103 NBA playoff games. Nakakuha siya ng titulo bilang role player sa Dallas noong 2011 at ginugol ang kanyang huling season sa Mavericks.

Kinukonsidera bilang isang malakas na defensive player, siya ay nag-average ng 15.8 puntos at 9.0 rebounds sa kanyang career na nag-umpisa sa Phoenix noong 1999. Si Marion ay naglaro sa Suns sa loob ng mahigit sa siyam na season at nakasama rin si Cavs general manager David Griffin.