HAEMI, South Korea (AFP) – Isinulong kahapon ni Pope Francis ang isang “creative” na Katolisismo sa Asia na kumakatawan sa pagkakaiba-iba sa rehiyon, at hinimok ang mga bansang gaya ng China at North Korea na makipagdiyalogo sa Vatican alang-alang sa pagtutulungan at respeto sa isa’t isa.

Sa kanyang speech sa mga obispong Katoliko mula sa 22 bansa sa Asia, sinabi ng Papa na bukas ang Simbahan sa anumang pagbabago sa pagpaparating ng mensahe nito sa rehiyon—na mahigit 10 bansa ang walang pormal na ugnayan sa Holy See, kabilang ang China.

Para sa “spirit of openness”, umapela ang Papa para sa isang bagong simula na nakabatay sa respeto sa isa’t isa at pagtutulungan

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho