CABANATUAN CITY - Muli na namang nambiktima ang kilabot na motorcycle riding-in-tandem sa lungsod na ito makaraang pagbabarilin hanggang sa mapatay ang isang 55-anyos na jail warden sa Maharlika Hi-way sa Barangay Mayapyap Sur habang sakay sa kanyang motorsiklo at pauwi na galing sa trabaho, gabi noong Agosto 13, 2014.

Sa report ni Supt. Pedro Soliba, hepe ng Cabanatuan City Police, kay Senior Supt. Crizaldo O. Nieves, Nueva Ecija Police Provincial Office director, kinilala ang biktima na si Enrico Campos y Muncal, ng Bgy. Magsaysay Sur, Cabanatuan City na nakatalaga sa Nueva Ecija Provincial Jail sa Bgy. Caalibangbangan.

Napaulat na nag-alok na kahapon si Gov. Aurelio Umali ng P1 milyon pabuya sa makatutulong sa agarang pagdakip sa pumatay kay Campos at binigyan ang pulisya ng isang buwan para maresolba ang pagpatay. - Light A. Nolasco

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod