KC-Concepcion

MAGKATRABAHO sa unang pagkakataon sina Coco Martin at KC Concepcion sa master-seryeng Ikaw Lamang sa ilalim ng Dreamscape Entertainment business unit ng ABS-CBN. 

Ayon kay Coco, sobra-sobra ang excitement niya dahil ipinagkatiwala sa kanya ng ABS-CBN ang panibagong role pagkatapos tumanda ng unang papel niya na ginagampanan na ngayon ni Joel Torre. Pero halata, at inamin naman niya, na excited din siyang makatrabaho si KC Concepcion. At hindi naman daw siya masisisi kung may halong takot man siyang nararamdaman.

“Siyempre andu’n ‘yung excitement at takot dahil hindi pa kami ganap na magkakilala. Hindi ko rin talaga alam kung paano siya katrabaho,” sabi ni Coco nang humarap sa grand presscon ng Ikaw Lamang na ayon sa kanya ay hindi raw Book 2 kundi pagpapatuloy lamang ng kuwento.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kuwento niya, na-surprise siya sa unang eksenang ginawa nila ni KC. Pero umpisa pa lang daw naman ay impressed na siya sa dalaga.  

“Lumalabas siya sa tent, nakikipagkuwentuhan siya sa amin, sa mga direktor, sa staff. Kumbaga, parang ‘pinapakita niya ‘yung interest and dedication niya sa proyekto,” sey ng premyadong aktor. 

“Nae-excite ako, kasi ibang set na naman ng characters and actors ang kasama ko. And sana, sana mapagtagumpayan po ulit namin ito.”

Nabanggit din ni Coco na sana ay magkaroon siya ng pagkakataon na maging close ni KC Concepcion. Hmmm, umaasa yata si Coco na magkaroon ng malalim at personal na relasyon, huh!

Hindi niya itinanggi na crush niya si KC, pero hindi raw siya magsasalita nang tapos kung mapupunta sa mas malalim na relasyon ang pagiging magkaibigan nila ngayon. 

Nadiskubre rin ni Coco ang pagiging makatao at sobrang kabaitan ng anak ng megastar. Ni hindi nga raw niya inaasahan na ganoon ka-humble si KC Concepcion. 

Naku, biglang hindi na ang istorya lang ng Ikaw Lamang ang kapana-panabik subaybayan, ha?