WASHINGTON (AFP)—Iniutos ni President Barack Obama ang muling paglipad ng US warplanes sa kalawakan ng Iraq noong Huwebes upang maghulog ng pagkain sa mga refugees at kung kinakailangan, ay maglunsad ng air strikes upang matigil ang aniya’y potensyal na “genocide.”

Amh unang misyon ng US air armada ay maghulog ng pagkain at tubig sa libu-libong miyembro ng Yazidi religious minority na ginagambala ng Sunni extremist fighters mula sa tinatawag na Islamic State.

Ngunit nagbabala si Obama na pinahintulutan rin niya ang militar na magsagawa ng targeted strikes bilang suporta sa mga puwersang Iraqi upang mapigilan ang pag-abante ng Islamists o maprotektahan ang US advisors na nagtatrabaho sa lupa.

Sinabi ng pangulo na maaaring targeting ng US warplanes ang Islamic State militants kapag umabante sila sa lungsod ng Arbil, kung saan ang US ay may diplomatic presence at advisors sa Iraqi forces.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“We plan to stand vigilant and take action if they threaten our facilities anywhere in Iraq, including the consulate in Arbil and embassy in Baghdad,” aniya.