BALLESTEROS, Cagayan – Tinatayang aabutin ng ilang milyong piso ang halaga ng napinsala sa compound ng Globe Landing Station matapos itong hagisan ng granada at taniman ng pampasabog ng 30 armadong nakasuot ng camouflage sa Rizal Street sa Centro West ng Ballesteros, Cagayan.

Iniutos kahapon ni Cagayan Police Provincial Office director Senior Supt. Gregorio Lim sa Ballesteros Police na masusing imbestigahan ang insidente para matukoy ang mga salarin at makasuhan ang mga ito sa pagsalakay at pagpapasabog sa ilang bahagi ng Globe Landing Station.

Sinabi din ni SPO3 Andy Delos Santos na dahil sa nangyari ay naapektuhan ang serbisyo ng nasabing telecommunications company sa Ballesteros. - Liezle Basa Iñigo
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20