Sandra Bullock

NEW YORK (Reuters) - Hinirang na highest paid actress ng Forbes noong Lunes ang Oscar winner na si Sandra Bullock na kumita ng $51 million sa loob ng isang taon. Sinundan siya nina Jennifer Lawrence at Jennifer Aniston.

Pumatok ang pelikulang Gravity ng 50 anyos na aktres na humakot ng pitong parangal mula sa Academy Awards, kasama na ang best director para kay Alfonso Cuaron, at kumita ng mahigit $716 million sa buong mundo.

Ang 2010 best actress ng Oscar para sa pelikulang The Blind Side ay umangat mula sa ikapito sa listahan at ngayon ay nangunguna sa loob lang ng 12 na buwan, mula Hunyo 2013 hanggang Hunyo 2014.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

“Gravity star Sandra Bullock didn’t win best actress this year but she did walk away with a ton of money,” ayon sa Forbes.com.

Sa ikalawang sunod na taon, muling pumuwesto sa second spot ang bida ng Hunger Games na si Jennifer Lawrence, 23, na kumita ng $34 million. Nasa ikatlong puwesto naman si Jennifer Aniston, 45, dating ikaapat, na kumita ng $31 million.

Ang mga pelikula, endorsement, residuals at advertising work ng mga aktres at pahayag mula sa kani-kanilang agent, manager at abogado ang naging basehan ng Forbes para mabuo ang listahan.

Sina Gwyneth Paltrow, 41, na kumita ng $19 million, at Angelina Jolie, 39, na may kitang $18 million, ang kumumpleto sa top five. Si Angelina ang nanguna sa listahan noong nakaraang taon.

Ang 26 na taong gulang na bida sa pelikulang Lucy na si Scarlett Johansson ay nasa ikapitong puwesto sa kinitang $17 million, ang Twilight star na si Kristen Stewart, 24, naman ay nasa ikasampu, mula sa ikatlong puwesto noong nakaraang taon, na kumita ng $12 million.

Bagamat malaki ang naging kita ng ilang aktres, ayon sa Forbes, mas malakas pa rin daw kumita ang kalalakihan sa Hollywood. Ang pinagsamasamang kita ng 10 highest earning actors ay $419 million, habang $226 million lang ang sa mga aktres.

Makikita ang buong listahan sa http://onforb.es/UMFUur