Sa kabila ng pagkalat ng Ebola virus sa West Africa, hindi umano nababalot sa takot ang mga overseas Filipino worker (OFW) na nakatalaga sa tatlong bansa kung saan patuloy ang pagdami ng kaso ng nakamamatay na sakit.

“Ang ating mga kababayan ay hindi iniinda ang ganyan (sitwasyon),” ayon kay Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Pre-employment Services Office Director Nini Lanto, tungkol sa sentimiyento ng mga Pinoy sa Guinea, Liberia at Sierra Leone.

Aniya, hindi takot ang mga OFW na nakatalaga sa tatlong West African country hindi tulad sa mga Pinoy na naiipit ng kaguluhan sa Middle East.

Aminado si Lanto na marami pa ring Pinoy ang ayaw lisanin ang West Africa sa gitna ng banta ng Ebola virus.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Alam niyo naman, malalakas ang loob ng mga kababayan natin. They cannot be easily discouraged kung talagang naka-set sa mindi nila,” ayon so opisyal ng POEA.

Sa kabila nito, nanawagan si Health Secretary Enrique Ona sa mga OFW na bumalik na sa Pilipinas dahil sa banta ng Ebola.

Sa unang bahagi ng kasalukuyang buwan, itinaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Crisis Alert Level 2 (restriction phase) sa tatlong bansa sa West Africa kung saan pinagbabawal ang pagtungo ng mga Pinoy sa mga apektadong lugar. (Charina Clarisse L. Echaluce)