ISULAN, Sultan Kudarat – Isang umano’y leader ng kidnap-for-ransom group at matagal nang pinaghahanap ng batas sa iba’t ibang kaso ang naaresto ng pulisya sa Barangay Sampao sa Isulan, Sultan Kudarat noong umaga ng Hulyo 31, 2014.

Naglaan ng P175,000 pabuya ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa kanyang ikadarakip, ang naaresto ay si Said Salipada Gaid o Kumander Tony Banog, 44, may asawa, kabilang umano sa grupong Al Khobar at Pentagon Kidnap Group, at residente ng General SK Pendatun, Maguindanao. - Leo P. Diaz

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget